Tignan mo nga naman tong batang ito tol akala mo bonjing bonjing e noh pero aakalain mo bang itinuring itong diyos o tagapaglitagtas ng Socorro sa Surigao Del Norte, partikular ang kanilang samahan na tinatawag na Socorro Bayanihan Services Inc(SBSI) na sinasabing mga kulto. Libo-libong tao ang umakyat sa isang bundok sa Socorro, Surigao del Norte. May mga magulang na isinama ang kanilang mga anak. May mga empleyado at professional ang iniwan ang matagal nang trabaho. May mga pamilyang nagbenta pa ng kanilang bahay at ari-arian. Ayon sa ilang dating miyembro, iisa ang pinanghawakan nila: ang pangakong magiging ligtas sila sa paparating na kapahamakan at mapupunta sa isang bagong paraiso. Sa gitna ng paniniwalang iyon, isang batang lider ang kanilang sinusunod o itinuturing nga bilang tagapagligtas—siya si Jey Rence Quilario, na mas nakilala bilang Senior Agila. Ngunit pagkalipas ng ilang taon, may mga taong bumaba mula sa bundok na may ibang kuwento. May mga magulang na nagsabing pinagtrabaho ang kanilang mga anak sa halip na makapag-aral. May mga kabataang nagsumbong tungkol sa sapilitang pagpapakasal at s3ksuw4l na pang-aabuso. May mga pamilyang nagkawatak-watak, at may mga kaanak na hindi man lamang nakita ang huling sandali ng mahal nila sa buhay sa ibaba ng bundok. Mariing itinanggi ni Senior Agila at ng kaniyang mga kasamahan ang mga paratang. Para sa kanila, mapayapa at masaya ang kanilang komunidad. Pero para sa ilang nakalabas, ang lugar na pinuntahan nila dahil sa pag-asa ang siya ring lugar na matagal nilang gustong takasan. Paano napaniwala at napasunod ng batang ito ang maraming tao? At paano naging usaping pambansa ang isang komunidad na matatagpuan sa kabundukan ng Socorro?
Balikan natin ang taong 2019. Sa panahong iyon, nakaranas ng 5.9 magnitude na lindol ang lugar. Kasabay ng takot sa pagyanig, kumalat umano sa mga miyembro ang babalang may mas malalang panganib pang susunod—mga aftershock, tsunami, at paglubog ng buong Socorro. Ayon sa mga dating kasapi ng SBSI, sa gitna ng pangambang iyon ay ipinakilala sa kanila si Jey Rence Quilario o mas kilala sa tawag na Senior Agila bilang isang tagapagligtas. Bata pa siya noong mga panahon na yon na nasa 17 years old pero may mga taong naniwalang kakaiba ang kaniyang kapangyarihan at na ang pagsunod daw sa kaniya ang daan upang makaligtas. May mga dating miyembrong nagsabing itinanim sa kanilang isip na siya ay diyos o isang taong may banal na katungkulan. Kapag hindi raw sila sumama, maaari silang mapahamak at hindi makakarating sa langit. Kaya para sa mga naniwala, ang pag-akyat sa bundok ay naging usapin ng kaligtasan ng buong pamilya. Pero bago pa ipinanganak si Senior Agila, umiiral na ang SBSI. Pormal na itinatag ito noong Disyembre 20, 1980 kina Don Albino Taruc at Rosalina Lasala-Taruc, na mas kilala bilang “Mama Nena.” Nakasentro noon ang samahan sa bayanihan: pagtulong sa pagsasaka, pagkakarpintero, at mga pangangailangan kapag may namat4yan. Nang mawala si Don Albino, ipinagpatuloy ni Mama Nena ang pamumuno.
True Crime Tagalog | Tagalog Crime Stories