MADUG0NG SAGUPAAN NG MGA KULTO LABAN SA MILITAR AT PULIS SA DINAGAT

Utol Ford

Utol Ford

581,740 views

Tol ang matandang ito na nadakip ng mga awtoridad noong kasagsagan ng pandemya ay hindi basta basta, katunayan naging isa siya sa pinaka wanted na kriminal sa bansa at napakatagal na panahon siyang tinutugis na umabot sa mahigit isang dekada bago tuluyang maabot ng batas. Isa siyang kilalang tao sa Dinagat Islands na may libu-libong tagasuporta o followers niya na sinasabing mga kulto dahil ang umanong tatay nito na nagtatag ng samahan ay siyang tinitingnan na parang Diyos doon at ang mga suot nilang mga singsing ang diumanoy nagbibigay sa kanila ng kaligtasan papuntang langit at magbibigay ng diumanoy supernatural na proteksyon gaya ng hindi pagtalab ng patalim at bala ng baril. Kaso nga lang, ang lider ng sinasabing mga kulto ay nasangkot sa mga karumaldumal na krimen gaya ng pagp4tay sa sariling asawa, pagm@s4ker sa pamilya nito, at sa pakikipagsagupa ng kaniyang mga elite force security laban sa mga awtoridad. At ang malupet, halos sampung taon na nagpalipat lipat ang kaso at umabot pa sa anim na judges ang umayaw na sa paghawak nito at ang masaklap pa nakatakbo at nanalo pa siya bilang kongresista pagsapit ng taong 2010 na para bang wala ng pagasa na maparusahan siya ng batas. Paano humantong sa karumal-dumal na krimen ang ginawa ng kalbong ito at paano humantong sa matindi at madugong sagupaan ang kaniyang mga alagad laban sa mga awtoridad, makakamit nga ba ang hustisiya?

Ruben Buray Ecleo Jr. Bago tayo pumunta kay Ecleo Jr, alamin muna natin ang kasaysayan ng kanilang samahan o organisasyon at upang mas maunawaan kung saan nagmula ang kaniyang kapangyarihan at kung paano nahubog ang organisasyong kalaunan ay kaniyang pamumunuan, kailangan muna nating balikan ang kuwento ng kaniyang ama: si Ruben Edera Ecleo Sr., ang nagtatag ng PBMA o Philippine Benevolent Missionaries Association. Si Ruben Ecleo Sr. ay isinilang noong Disyembre 9, 1934 sa isla ng Cabilan sa Dinagat, sa isang pamilyang inilalarawan sa kaniyang mga biography bilang mahirap. Ayon sa mga biographical account na nagmula o nauugnay sa PBMA, bata pa lamang umano siya nang magsimula ang kaniyang gawaing missionary. Sa edad na walo, sinasabing naglalakbay na siya bilang isang batang healer-missioner sa iba't ibang bahagi ng Mindanao at Visayas. Ayon pa sa mas mahabang biography tungkol kay Ecleo Sr., sa kaniyang kabataan ay napadpad umano siya sa Leyte. Pagsapit ng humigit-kumulang 12 taong gulang, sinasabing ilang araw at gabi siyang nanatili nang mag-isa sa kabundukan, kung saan ayon sa salaysay ay nagmeditate siya at naranasan ang tinatawag na pakikipag-isa sa kaniyang β€œhigher” o spiritual self. Ang karanasang ito ang kalaunang naging mahalagang bahagi ng religious narrative tungkol sa kaniyang pagiging espirituwal na lider at sa pagbuo ng mga aral na maiuugnay sa PBMA. Noong 1952, nagpunta si Ecleo Sr. sa Estados Unidos para sa ilang buwang β€œsurvey study tour” at bumalik sa Pilipinas noong 1953. Makalipas ang dalawang taon, pinakasalan niya si Glenda Buray. Nagkaroon sila ng walong anak, kabilang si Ruben Ecleo Jr. Mula huling bahagi ng 1950s hanggang early 1960s, ipinagpatuloy umano ni Ecleo Sr. ang kaniyang missionary work sa Davao, Bukidnon, Leyte at Samar. Dito rin nagsimulang kumalat ang mga kuwento tungkol sa kaniyang diumano'y kakayahan bilang healer.

True Crime Tagalog | Tagalog Crime Stories