QUADRO kulitan! Jhong, dinibdiban si Vice! | It's Showtime | October 7, 2026

ABS-CBN It's Showtime

ABS-CBN It's Showtime

14,406 views

Hugot ng mga kabataan ang hatid ng Nameless Kids at ni Cesca as they performed their collab song “Mental,” na tungkol sa kakaibang klase ng obsession.

Ay, talagang buo ang araw ng madlang people sa pagbisita ng Hashtags member na si Wilbert Ross. At syempre, hindi pwedeng ma-miss ang entry niya sa “Meme” dance!

Ang mga "Miss Q and A" candidates of the day, mga young and beautiful, sa talakan ay witty at playful. Winner ang charisma nina Jass Lucky, Queen Veb, at Arci Simon.

Hey-ppy birthday kay Queen Veb, na ang wish ay maka-duet at mayakap si Darren Espanto. Ang motto niya in life, just go with the flow, to which Vice Ganda agreed. Sabi ni Meme Vice, importante na huwag magpakalunod sa stress and things that are beyond our control, dahil ang mga negatibng emosyon ay nagma-manifest sa katawan, lalo na sa body organs.

Hirit ni Jhong Hilario, ang anxiety ay nagdudulot ng hair fall. Kaya napaisip si Meme, baka ito ang dahilan ng pagkaubos ng buhok niya. Sana raw nalaman niya nang mas maaga!

Magaling sila sa asignaturang sipnayan, ma-compute rin ba kaya nila ang tamang formula sa jackpot round? Mga accountancy students, nag-enjoy na, nanalo pa sa Laro Laro Pick game arena.

Nakakuwentuhan ng hosts si Earl, na nagka-girlfriend at the age of 16. Natuwa si Vice Ganda sa kuwento ng binata kung bakit siya nagdesisyong makipagrelasyon. Si Anne Curtis naman ang kinilig nang malaman na si Earl ay may nililigawan. 'Ligaw' is not dead!

Hindi lang talino, kundi tapang din ang baon ni Dhion sa pagsabak sa jackpot round. Hanggang dulo, nilaban niya ang POT question. Nagbunga ang lakas ng loob ng estudyante, pati na rin ang pag-cheer ng kanyang mga kasamang players. Nasagot niya ang tanong, kaya naiuwi ang P100,000.

#ShowtimeOctNaOks
#ItsShowtimeFullEpisode
#ABSCBNEntertainment