PANELO: 'POLITICAL THREAT' ANG DAHILAN NG PAGLIPAT NI MARK VILLAR SA MAJORITY BLOC

SMNI Digital

SMNI Digital

4,486 views

Pinuna ni Atty. Salvador Panelo ang paglipat ni Sen. Mark Villar mula sa Senate Minority patungo sa Majority Bloc, na iniuugnay niya sa umano’y banta at pressure sa politika sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Aniya, “Siyempre hindi mo masisisi. Ibig sabihin, talagang nagkaroon ng baril sa mga ulo niyan kaya magbabaliktaran ’yang mga ’yan. Ang tanong, tama ba ang ginagawa? Mali ’ho. Sapagkat sinira mo ang due process ng respondent sapagkat ’yung hahatol sa kanila ay hindi na magiging objective kasi nga may threats, may pressure eh."